Add parallel Print Page Options

11 Ang bawat isa sa kanila ay binigyan ng mahabang puting kasuotan at sila'y sinabihang magpahinga ng kaunti pang panahon, hanggang ang bilang ng mga kapwa nila alipin at kapatid ay mabuo; na ang mga ito'y papatayin ding tulad nila.

12 (A) Nang buksan ng Kordero ang ikaanim na tatak, tumingin ako, at nagkaroon ng malakas na lindol, naging itim ang araw na tulad ng damit-panluksa, at naging parang dugo ang buwang kabilugan; 13 (B) at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin.

Read full chapter